Tuesday, October 26, 2010

Pagmumuni sa Umaga ng isang Buntis

Gising na naman ang aking diwa. Tatlong oras na siyang lumilipad lipad at paikot ikot sa aking isipan habang pilit ko siyang pinatatahimik upang makuha ang ninanasang himbing na tulog. Kawawa naman ang anak ko sa sinapupunan, kulang na kulang sa tulog, lagi na lang gising ang ina kahit pikit ang mata.


Sabi ng aking mabuting asawa, ipikit lang ang aking mata at magbilang ng tupa. Haay, ilang ulit ko na bang ginawa yan sa aking buhay. Minsan tumatalab, madalas sa hindi. At sa mga ganitong pagkakataon, alam ko na ang gusto niya. Gusto niyang mapagod. Kaya eto na naman ako sa harap ng modernong makinilya, nagsusulat ng kung anuman ang pumasok sa aking kamalayan.



Sa ngayon, ang nasa isip ko ay ang aking sanggol. Kamusta kaya siya sa loob? Sabi ng aking doctor, sa panglabingtatlong linggo pa lang maaaring marinig naming muli ang kanyang tibok ng puso na hindi nag”uultrasound” at gamit lamang ang isang “Doppler” instrument. Pang sampung linggo pa lang. Tatlong linggo pang paghihintay. Sa kanyang edad , meron na siyang utak at puso at kanyang binubuo ang kanyang mga paa’t kamay. Marahil kaya madalas ding magising ang kanyang ina, nagsimula na siyang mag-isip at ginigising niya ang nanay para samahan siya sa kanyang mga pagmumuni, pagninilay at mga katanungan. Gusto kong sabihin sa kanyang, Anak, matulog ka muna, paglabas mo at sa paglaki mo, magsasawa ka sa pagiisip sa kung anu ano. Magsasawa ka sa pagdiskubre ng mga bagay bagay at paghanap ng kasagutan sa iyong mga tanong. Ngunit malamang sa hindi ay hindi siya makikinig sa akin. Minsan ako’y nanggangamba sa sinabi ng aking asawa, baka magmana ang ating anak sa iyo na matigas ang ulo. Kung ganun man ay hindi niya kailanman malalaman na mas naiintindihan ko siya higit sa lahat. Dahil pilit niyang iisiping kaya niya ang lahat ng bagay ng walang tulong, na matalino siya kung kaya’t makakaisip siya ng makakaisip ng tamang sagot sa lahat .Buti na lang at dalawa ang magulang. Isang ama at isang ina. Ang ama niya ang magtuturo at magsasabi sa kanya ng mga bagay na hindi niya kailanman tatanggapin mula sa akin.

Wala sa tabi naman ngayon ang kanyang ama. Walang taga”yapos” at tagahagod ng ulo upang muling makabalik sa tulog ang kanyang mag-ina. Andito kami ngayon sa kanyang Lola. Kapiling ang kanyang Tito Aaron , Tita Malou, Tita Irene at Ate Kat. Kung ang Lola niya ang masusunod, gusto niyang dito kami muna at dating gawi si Lola and tagadala ng pagkain at gatas sa kama. Minsan , naiisip ko marahil dapat ganito muna. Pero nararamdaman kong magrereklamo ang bata. Gusto niyang kasama ang ama. Kailangan na naming bumalik sa probinsiya.



Inabutan na naman ako ng umaga. Mag-aalmusal na kami ng aking "baby". Pero sana anak, pagkatapos nito, matulog na tayo. Pagod na rin ang nanay sa ilang oras nating hiwalay at minsa'y magkasamang pagmumuni.Mamayang gabi susunduin na tayo ng iyong tatay pauwi, kaya meme na meme na. Makikita na natin siya maya maya.

Saturday, October 9, 2010

Early morning thoughts...

I woke up very early this Sunday Morning with nothing much on my head but excitement for what lies ahead. Instinctively, I rubbed my belly as if to comfort and protect my unborn child against unwanted thoughts that might permeate her mother's inner being. I turn to my left and I could hear my husband's heavy breathing.

He has been awfully tired from work the whole week but somehow I knew that the thought of an addition to our little circle of love keeps him going and makes things at the workplace bearable.

And knowing that, I love him more for it. He is a patient man,a silent sufferer.But at night when he rest from everything and I lay my head against his chest, I could feel his weariness and I could feel how much he fight against it. I love him more for that.


Love, the romantic love I have grown up believing as a child, they say is not real. Its an association that comes with the accidents of life. And once the condition that allowed it to exist for a long period of time is taken away then that same love will be gone.

Love, shared between mankind , though is real. It is borne about by a common goal, a shared commitment.

To bring up a child in the ways of God is a marriage's primary aim.

And to do that, it takes two wings for flight to happen. In such lies the beauty, because heights are achieved through the elements of balance and harmony of two distinct individuals. Love?


My thoughts end here. But my prayers remain ascending Above.

Let me Lord be a good wife, let me Lord be a good mother.

Let me believe and personify the kind of person You have always thought I am but I have until now hesitate to claim.

Alone, I will never achieve that perfection but I am certain that the Holy Spirit will be there to assist.